Sunday, July 19, 2009

JANITOR FISH ginagamit upang gawing patis (100 percent not kosher)




nakakaalarma nmn ang balitang ito ... hindi lang pala kanduli pati janitor fish din and ginagamit upang gawing patis.. umiwas na po muna tayo sa paggamit ng patis kung maari asin n lang ang ipang alat sa lutuin not iodized salt ok... iodized salt is not kosher


makikita nyo po ang larawan sa kaliwang bahagi ng blog kung inyo po itong titignan ay mayroon po itong kaliskis at palikpik. kosher kaya ito?hindi po peke po ang kanyang kaliskis ....

para sa karagdagang impormasyon click ang link na ito http://en.wikipedia.org/wiki/Pterygoplichthys_pardalis

ANO BA ANG KOSHER?

Ang salitang hebrew na "KOSHER" at nangangahulugang FIT. Ang kosher ay nangangahulugang maaring kainin ng isang hudyo o jew.

Ang batas ng Kosher ay iniutos sa mga anak ni israel ng D-y-s sa disyerto ng sinai. at tinuro ni moses sa mga tao at isinulat nya ang basic nito sa Leviticus 11 at Deuteronomy 14.

ang bawat detalye ay naipasa sa bawat henerasyon ng mga hudyo katulad ng nasa mishnah at talmud.sa mga libring ito ay may mga naidagdag na mga iilang ordinansa na ginawa ng rabbinical authorities bilang mga "safeguards" para sa mga kautusang nasa bibliya..

sa loob 4000 years ng kasaysayan and pagkain ng kosher ay naging tanda ng pagkakakilanlan sa mga hudyo..sa makatuwid maliban sa iba pang kautusang (mitzvah) mababasa sa bibliya and batas ng kosher ay nagsasabi lamang hindi lang isang religion and judaismo. para sa mga hudyo ang pagiging banal ay hindi lamang nakukuha sa pag punta sa mga sagradong lugar kundi pati ang simpleng pagkain ay isang makadiyos na gawain at walang katulad na experience ng pagiging hudyo..

BH
isaaclevi

http://www.chabad.org/library/howto/wizard_cdo/aid/113425/jewish/What-is-Kosher.htm

SAAN KA MAKAKABILI NG MGA KOSHER NA PRODUKTO SA PILIPINAS?

ITO PO ANG MGA LISTAHAN NG MGA SUPERMARKET AT MALL KUNG SAAN TAYO MAKAKABILI NG MGA KOSHER NA PRODUKTO :

  1. SM supermarket and hypermarket
  2. Robinson supermarket
  3. Greenhills shopping centre
  4. Cash and Carry
  5. Price mart